Higit sa dalawang milyong kilo ng bigas at kabuuang ₱250-million na halaga ng tulong pinansyal ang ipinaabot sa may 83,000 na benepisyaryo ng Cash Assistance and Rice Distribution (CARD) Program sa Eastern Visayas.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez ang pagdating ng CARD Program sa Eastern Visayas ay bilang pagtalima sa atas ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bigyang access ang mga Pilipino sa murang bilihin.
“Lumapag na po sa Leyte, Samar, at Biliran ang CARD Program upang maghatid ng libreng bigas at ayuda para sa ating mga kababayan na nagmumula sa mga vulnerable sectors. Dito po ipinadadama ng administrasyon ni Pangulong Marcos sa ating mga mamamayan ang pagkalinga ng pamahalaan,” sabi ni Speaker Romualdez.
Sa paglulunsad ng pinakamalaking CARD Program, ₱1,000 piso na financial assistance ang ibinigay sa 83,000 na benepisyaryo pambili ng 25 kilo ng bigas sa halagang ₱40 kada kilo.
Nakatanggpa rin sila ng ₱2,000 sa ilalim ng AICS program ng DSWD para naman pambili ng iba pang pangangailangan.
“Ito na ang pinakamalaking CARD Program distribution simula noong ilunsad natin ito noong nakaraang taon. Makakaasa kayo na mas palalakihin at palalakasin pa natin ang programa para mas maraming Pilipino ang makinabang sa bigas at ayuda mula sa gobyerno,” diin ni Romualdez.
Partikular na nakinabang sa rice program na ito ang mga vulnerable sector gaya ng senior citizen, PWD, indigent, at iba pa na pawang mula Tacloban City, Leyte, Southern Leyte, Biliran, Samar, Eastern Samar, at Northern Samar.
Nahati ang mga benepisyaryo sa mga sumusunod:
- 1st District of Leyte: 11,000
- Tacloban City: 4,000
- Palo, Leyte: 1,000
- Tanauan, Leyte: 1,000
- Tolosa, Leyte: 1,000
- Babatngon, Leyte: 1,000
- Sta. Fe, Leyte: 1,000
- Along Alang, Leyte: 1,000
- San Miguel, Leyte: 1,000
- 2nd District of Leyte: 6,000
- 3rd District of Leyte: 6,000
- 4th District of Leyte: 6,000
- 5th District of Leyte: 6,000
- 1st District of Southern Leyte: 6,000
- 2nd District of Southern Leyte: 6,000
- Lone District of Biliran: 6,000
- Lone District of Eastern Samar: 6,000
- 1st District of Samar: 6,000
- 2nd District of Samar: 6,000
- 1st District of Northern Samar: 6,000
- 2nd District of Northern Samar: 6,000
| ulat ni Kathleen Jean Forbes