Pinangunahan ni House Appropriations Committee Chair at AKO Bicol party-list Rep. Elizaldy Co ang pagpapasinaya sa iba’t ibang infrastructure project sa 9th Infantry Division ng AFP.
Bahagi ng labing siyam na proyekto ang pagsasaayos sa military barracks, pagpapalawak ng 9th Signal Battalion Building, pati na ang pagkakaroon ng isang circumferential road network para mapagbuti ang kanilang training capabilities.
Pinaglaanan ng P350 million na pondo ang naturang mga proyekto na para kay Co ay mahalaga sa pambansang seguridad at kapakanan ng ating sandatahang lakas.
“The Armed Forces of the Philippines has always been steadfast in safeguarding our nation’s sovereignty and fostering peace. Your unwavering dedication forms the foundation upon which our country’s security and harmony stands,” sabi ni Co.
Dagdag pa ng House appropriations Chair na ipinapakita lamang nito ang dedikasyon ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ng liderato ng Kamara sa pangunguna ni Speaker Martin Romualdez sa pagtiyak ng kahandaan ng AFP at bilang pasasalamat sa lahat ng kanilang sakripisyo.
Pinuri din ng mambabatas ang mga militar sa kanilang ambag para masiguro ang kapayapaan at pag-unlad sa Bicol region.| ulat ni Kathleen Forbes