Nais ng liderato ng Kamara na magkaroon ng masinsinang imbestigasyon kaugnay deepfake ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., banta sa ating national security ang ganitong malisyoso at gawa-gawang impormasyon.
Kaya naman nararapat lang ang kagyat na pagsisiyasat ng kinauukulang ahensya gaya ng Department of Information at Communications Technology (DICT) at ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center nito.
Kailangan din aniyang panagutin ang tao o grupo na nasa likod ng naturang deepfake.
“We should not allow this to happen again. We should not tolerate criminally-minded persons to wreak havoc on our national security and to give our people fake information,” he said.
Nais naman ni Deputy Speaker David Suarez na magigay ng periodic report sa Kamara ang mga ahensya kaugnay sa ginagawa nilang imbestigasyon.
Maaari din aniya nilang hingin ang tulong ng mga eksperto mula sa private sector para sa pagsisiyasat.
Tiwala din ang mambabatas na hindi basta maniniwala at makikinig ang kasundaluhan sa mga ganitong uri ng mensahe.
“I trust that they will heed instructions issued only through official lines of communication and from the chain of command. I believe in the professionalism and patriotism of our soldiers,” giit ni Suarez.| ulat ni Kathleen Forbes