Optimistiko ang House leaders na magreresulta sa maraming benepisyo para sa Pilipinas ang gaganaping trilateral summit sa pagitan nina US President Joe Biden, Japanese Prime Minister Fumio Kishida at Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. inaasahan niya na palalawigin ng tatlong lider ang economic cooperation ng kani-kanilang mga bansa na makakatulong sa ekonomiya ng Pilipinas.
Ayon naman kay Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, mas mapapaigting ng naturang pulong ang ugnayang pangkalakalan ng tatlong bansa lalo na at ang US ang pinakamalaking trading partner natin.
Inaasahan naman ni Deputy Speaker at Quezon Rep. David “Jay-jay” Suarez na madaragdagan ang military at financial aid ng Pilipinas mula US at Japan.
Hindi rin anila malayo na matalakay ang sitwasyon sa Indo-Pacific region partikular ang peace at stability sa West Philippine Sea.
“The international community should ensure freedom of navigation and overflight there. Peace in this area will contribute to the economic development of the region,” sabi ng mga mambabatas.| ulat ni Kathleen Forbes