Muling iginiit ng Kamara de Representates, sa pamumuno ni Speaker Martin Romualdez na hindi nito pinahihitulutan ang paggamit ng plakang number 8 para sa mga sasakyan ng mga miyembro ng Kamara.
Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, ang mga plate na ito ay hindi dapat ituring na lehitimo.
Aniya, may umiiral na kasunduan ang Kamara sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na huhulihin ang mga driver na makikitang gumagamit ng mga plakang may numerong “8” at agad na kukumpiskahin ang naturang mga plaka.
Diin ni SecGen Velasco ang hindi awtorisadong paggamit ng special plates ay hindi dapat kinukunsinte dahil maaring magdulot ito ng panganib sa kaligtasan ng publiko at nakakasira sa integridad ng pagpaparehistro ng sasakyan.
Paghikayat ni Velasco sa lahat ng miyembro ng Kamara na itaguyod ang pinakamataas na pamantayan ng integridad at pagsunod sa batas.
Diin ng opisyal na mananatili silang committed na tiyakin ang accountability at transparency ng Kamara at inaasahan ang kooperasyon ng lahat ng mambabatas.| ulat ni Melany V. Reyes