Binati ni House Speaker Martin Romualdez si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isa sa kaniyang maituturing na tagumpay kasunod ng pagkakasama sa 100 Most Influential People ngayong 2024 ng Time Magazine.
Ayon kay Romualdez, ipinapakita lang nito ang dedikasyon ng Pangulo para isulong ang interes ng bansa at siguruhin ang mas magandang bukas para sa mga Pilipino.
Dahil aniya sa pamumuno ng Punong ehekutibo gaya na lang sa kaniyang economic policies ay nagkaroon ng pagbabago at pag unlad ang bansa sa kabila ng global uncertainties.
Ipinakita rin aniya niya nito ang commitment ng Pangulo na protektahan ang mga Pilipino sa kaniyang paninindigan sa ating soberanya laban sa external threats.
“As Speaker of the House of Representatives, I earnestly commend President Marcos for this well-deserved honor and pledge my relentless support in his endeavors to propel our beloved country to greater heights. Together, let us unite in forging a future that is defined by prosperity, inclusivity, and unity.” ani Romualdez.
Kasabay ng papuri sa Pangulo umaasa naman si Romualdez na patuloy na mag hahatid ng inspirasyon ang pamumuno ni PBBM at maiangat ang ating bansa. | ulat ni Kathleen Jean Forbes