Ikinalugod ni Speaker Martin Romualdez ang pagkakapasa ng US Congress sa US $8.1 billion emergency aid package para sa mga kaalyado ng Estados Unidos sa Indo-Pacific kabilang na ang Pilipinas.
Kasunod ito ng pakikipagpulong ng delegasyon ng Pilipinas sa pangunguna ni Romualdez kasama ang iba pang mga mambabatas.
Ayon sa House Speaker, malaking bagay ang bipartisan support ng US Congress na malaking tulong para sa Pilipinas lalo na sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea.
“This is a momentous occasion that underscores the enduring partnership between our nations and the unwavering commitment of the U.S. to fostering stability and prosperity in the Indo-Pacific. We are deeply grateful for the bipartisan effort that has led to the approval of this crucial assistance, which will undoubtedly strengthen the security and resilience of our region,” ani Romualdez.
Sa botong 385 na pabor ay pinagtibay ng US Congress ang panukala na magbibigay ng halos apat na bilyong dolyar na security assistance sa Taiwan, Pilipinas at ba pang kaalyado sa Indo-Pacific.
Nakapaloob din dito ang 1.9 na bilyong dolyar na replenishment ng US stocks na nabawasan na sa at 3.3 bilyong dolyar na submarine infrastructure at iba pa.
Kasama rin sa naturang panukala ang pagtiyak na ang naturang security assistance ay maibibigay sa Pilipinas.
“The passage of this amendment underscores the deepening partnership between our nations and highlights the United States’ commitment to enhancing the defense capabilities of the Philippines. I extend my heartfelt gratitude to Rep. Darrell Issa for his steadfast dedication to advancing our shared interests and for his pivotal role in advocating for this significant allocation of military aid to the Philippines,” sabi pa ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes