Para sa kapakanan ng mga residente ng ika-apat na distrito ng Cavite, itinalaga bilang legislative caretaker ng distrito si House Speaker Martin Romualdez.
Kasunod na rin ito ng pagpanaw ni Congressman Elpidio Barzaga Jr.
Matatandaan na una nang sinabi ni Speaker Romualdez na mahihirapan nang magsagawa pa ng special elections para punan ang naiwang posisyon ni Barzaga dahil masyado na itong malapit sa 2025 mid-term elections.
Sa kasalukuyan maliban sa Cavite 4th district nagsisilbi ring legislative caretaker ang House Speaker sa Negros Oriental 3rd district, Batangas 6th ditrict, at Palawan 1st at 3rd district.| ulat ni Kathleen Forbes