Nanawagan si Senadora Risa Hontiveros sa mga taga-Kapihan na makipagtulungan sa mga awtoridad sa proseso ng paglilipat sa kanila sa ibang lugar.
Ang pahayag na ito ng senadora ay kasunod ng pagkansela ng DENR ng Protected Area Community-Based Resource Management Agreement (PACBRMA) sa Socorro Bayanihan Services Inc (SBSI).
Kaugnay nito, dapat aniyang magtulong-tulong ang mga ahensya ng gobyerno, kasama ang lokal na pamahalaan ng Socorro at Surigao del Norte, para mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan ng kapihan.
Ipinunto ni Hontiveros na mga biktima din sila ng kahirapan na napilitang kumapit sa mga pangako at panloloko ni Senior Agila.
Dapat aniyang tiyakin ng estado na ang bawat miyembro ng kapihan ay makakapamuhay ng may dangal at dignidad.
Sinabi naman ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na maganda ang ginawang hakbang na ito ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para matiyak na ang mga miyembro ng SBSI ay ma-relocate na.
Ito ay para aniya kalaunan ay mabuwag na ng tuluyan ang kulto at maligtas ang mga menor de edad mula sa anumang abuso. | ulat ni Nimfa Asuncion