Iba’t ibang medical devices, ipinamahagi ng PCSO sa mga residente ng Pampanga, Rizal, at Laguna

Facebook
Twitter
LinkedIn

Namahagi ang Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) ng iba’t ibang medical devices sa mga residente ng Pampanga, Rizal, at Laguna.

Pinangunahan ni PCSO General Manager Mel Robles ang pag-turn over ng mga kagamitan kay Pinuno Party-list Representative Ivan Guintu, sa tanggapan ng ahensya sa Mandaluyong City.

Kabilang sa mga ibinigay ng PCSO ang 50 wheelchairs, 50 nebulizers, 50 glucometers, at 50 BP apparatus.

Nagpasalamat naman si Rep. Guintu sa ahensya at tiniyak na makakarating ang mga kagamitan sa mga residente nilang nangangailangan.

Layon ng pamamahagi ng medical devices na ilapit ang serbisyo ng pamahalaan sa mga mamamayan sa ilalim ng Bagong Pilipinas. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us