Pormal nang nilagdaan ang ang memorandum of agreement ( MOA ) para sa ikatlong housing project na itatayo sa Iloilo City sa ilalim ng flagship program ng gobyerno na “Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing” (4PH) program.
Ang MOA ay nilagdaan sa pagitan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), Iloilo City Government, at ang PHINMA Property Holdings Corp., na magsisilbing developer para sa ipapatayong pabahay sa Brgy. San Isidro, Jaro.
Pinangunahan ito ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas, DHSUD Undersecretary Roland Samuel Young, DHSUD Regional Director Eva Marie Marfil, at PHINMA Community Housing Head Luis Oquinena.
Ayon kay Marfil, ang itatayong pabahay ay ikatlong housing project sa lungsod. Aabot naman sa mahigit 2,000 housing units ang unang dalawang housing project na kasalukuyang dinidevelop ng Eon Realty Corporation at Ethan Property Developer.| ulat ni Emme Santiagudo| RP1 Iloilo