Muling nagkasa ng operasyon ang Department of Transportation – Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) sa EDSA Busway sa mga pasaway na motoristang hindi awtorisadong dumaan sa busway.
As of 6:20am, may walong sasakyan na ang nasita kasama ang ilang barangay ambulance na walang lamang pasyente at shuttle service ng ilang government office.
Dahilan ng driver ng isang ambulansyang natiketan, magsusundo siya ng pasyente sa barangay kaya naisipang dumaan sa EDSA Busway.
Ang iba naman ay aminadong nais lamang umiwas sa trapiko sa EDSA.
Hindi naman nakalusot ang pakiusap ng mga ito dahil natiketan pa rin sila ng Unauthorized Use of Busway.
Muli namang iginiit ng DOTr-SAICT na ang maaari lamang na dumaan sa busway ay ang mga LTFRB-authorized buses na may EDSA Busway route; on-duty ambulances, Firetrucks at Philippine National Police vehicles; at Service vehicles na may duty sa EDSA Busway Project. | ulat ni Merry Ann Bastasa