May bahagyang pagbagal ng mga sasakyan sa ilang bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) dahil sa mga motoristang bumibyahe pa rin papasok ng Metro Manila matapos ang Holy Week break.
Batay sa monitoring ng NLEX-SCTEX, as of 6am ay may bahagyang volume ng mga sasakyan sa bahagi ng Ciudad de Victoria (CDV) Southbound kaya nasa 30-40kph ang running speed dito habang nasa 40-50kph naman ang running speed sa Marilao to NLEX Drive at Dine Southbound.
Sa kabila nito, maluwag na at tuloy-tuloy ang daloy ng mga sasakyan sa Balintawak Toll Plaza, Mindanao Toll Plaza, at Bocaue Toll Plaza bagamat may 100m pila lang ng mga sasakyan sa RFID installation lanes (rightmost).
Maliban dito, light traffic na ang umiiral sa iba pang bahagi ng NLEX-SCTEX kabilang ang toll plazas at interchanges.
Una nang nag-abiso ang pamunuan ng NLEX-SCTEX na inaasahan pa rin ang mataas na volume din ng trapiko para sa Manila-bound motorists hanggang alas-8 ng umaga ng April 1.
Nananatili ring nakataas ang full alert sa NLEX hanggang ngayong araw para tutukan ang traffic situation sa expressway. | ulat ni Merry Ann Bastasa