Sa pagpasok ng unang araw ng Abril naglabas na ang mga kumpanya ng langis ng presyo sa produktong petrolyo sa nakaamabang taas-babang singil sa presyo nito, bukas.
Simula alas-6 ng umaga bukas ipapatupad ng kumpanyang Pilipinas Shell at Petro Gazz ang dagdag na P0.45 sa kada litro ng gasolina habang P0.60 naman ang bawas sa kada litro ng diesel, at nasa P1.05 sa kada litro ng kerosene.
Samantala, ipapatupad naman ng Sea Oil at Clean Fuel ang kaparehong halaga mamayang alas-12:01 ng hatinggabi.
Inaasahan namang susunod na ang ilang mga kumpanya ng langis bukas. | ulatni AJ Ignacio