Welcome sa ilang mga magulang ang mungkahi ng pagkakaroon ng heat index warning signals gaya nang ipinatutupad tuwing may bagyo.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa Marikina City, sinabi ng ilang magulang na mainam na magkaroon ng hiwalay na warning signal na magiging gabay nila sa mainit na panahon.
Iba-iba kasing mga hakbang ang ginagawa ng mga paaralan sa mainit ng panahon kaya nagkakaroon ng kalituhan para sa mga magulang.
Kaya sa pamamagitan kasi nito, magkakaroon ng malinaw na panuntunan sa mga dapat gawin sa mga klase oras na magkaroon ng delikadong heat index forecast.
Halimbawa na lamang kung mayroong Heat Index No. 1, papayuhan ang publiko na umiwas munang lumabas ng bahay at sakaling tumindi ang init at umabot ng Heat Index No. 3 ay maaaring gawing batayan na ito para sa kanselasyon ng face-to-face classes.
Nabatid na sa isinusulong na panukala, inuudyukan ang PAGASA na magkaroon ng protocol pagdating sa panahon ng tag-init gaya nang sa tag-ulan at sila na ang mangunguna sa weather-related decision-making processes. | ulat ni Jaymark Dagala