Ilang mga negosyo sa Pilipinas ang napag-alamang nagsusumikap na i-expand ang kanilang investment sa ASEAN Region ayon sa Hong Kong and Shanghai Banking Corporation o HSBC survey.
Base sa survey, plano ng mga negosyong ito na pumasok sa ASEAN markets, partikular ang sektor ng teknolohiya.
Kabilang sa mga respondent ng HSBC ang mga kumpanya na may annual revenues na umaabot sa $150-million dollars mula sa mga bansang Indonesia, Malaysia, Philippines, Singapore, Thailand, at Vietnam.
Ayon sa survey, 72 percent ng mga respondent mula Pilipinas ay nais pasukin ang bagong linya ng mga negosyo, technology, digitalization, sustainability, at research and development.
Lumalabas din na marami sa mga negosyong ito ay kumpiyansa na palaguin ang kanilang negosyo sa mga kalapit na bansa.
Nakikita naman ng datos ng international bank na kabilang sa mga balakid sa pagnenegosyo sa ASEAN ang mabilis na pagbabago sa regulasyon, hamon sa supply chain, at ang kapasidad ng mga local technologies. | ulat ni Melany Valdoz Reyes