Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang bahagyang pagbaba sa imbentaryo ng bigas sa bansa nitong Pebrero.
Ayon sa PSA, naitala sa 1.37 milyong metriko tonelada ang kabuuang rice stocks inventory as of March 1, 2024.
Mas mababa ito ng 9.6% mula noong nakaraang buwan na may 1.51 milyong metriko toneladang imbentaryo.
Mas mababa rin ito ng 3% kung ikukumpara sa kaparehong buwan noong 2023.
Sa kabila nito, tumaas naman ng 27.5% ang commercial stocks ng bigas kumpara noong nakaraang taon.
Sa kabuuang rice stock nitong Marso, 50.8% ang mula sa households, 46.1% sa commercial sector, habang 3% sa NFA depositories. | ulat ni Merry Ann Bastasa