Binigyang diin ni House Assistant Majority Leader at Zambales Rep. Jay Khonghun na para sa kapakanan ng mga Pilipino ang itinutulak nilang imbestigasyon kaugnay sa “gentleman’s agreement” sa pagitan ng dating administrasyon at ng China.
Sa paghahain ng House Resolution 1684, nais ni Khonghun na mabigyang linaw ang umano’y kasunduang pinasok ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang China at kung ano ang sakop nito.
“We welcome this probe to get to the bottom of the issue. We want to sift the chaff from the grain, so to speak. Or in this case – the lies or propaganda peddled by many and the real score (or truth) behind it…The investigation will give us a clearer picture, or the real big picture, of what really transpired because we only read the exchanges in the media. So, the congressional probe will give us a chance to hear it directly from the resource persons,” sabi ni Khonghun.
Diin ng mambabatas, isang seryosong banta sa karapatan sa teritoryo ng Pilipinas kung may katotohanan nga ang naturang verbal agreement sa pagitan nina Duterte at Chinese President Xi Jin Ping.
Mahalaga aniya malaman kung ano ba talaga ang napagkasunduan dito lalo na at iniisip ngayon ng China na may karapatan silang igiit ito at na dapat ay sumunod sa naturang gentleman’s agreement ang kasalukuyang administrasyon.
“We also want to know the extent of the supposed agreement. What makes China think it is binding on President Bongbong Marcos Jr.’s administration, and what makes Beijing think they can enforce it without any treaty or official concurrence from the national government,” dagdag ni Khonghun.
Punto pa ni Khonghun, bagamat kinumpirma ng dating Pangulo sa isang press conference sa Davao City noong April 11 na ang ginawa niyang hakbang ay para lamang maiwasan ang armed confrontation sa pagitan ng Pilipinas at China ay tila mas paborable ito sa China habang banta naman ito sa national interest ng Pilipinas.
Batay sa gentleman’s agreement ay lilimitahan ang supply na ipapadala ng gobyerno ng Pilipinas sa mga sundalo na nakadestino sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. | ulat ni Kathleen Jean Forbes