Itinaas ng International Monetary Fund (IMF) ang economic outlook nito sa Pilipinas dahil sa inaasahang malakas na performance ngayong taon hanggang sa mga susunod na taon.
Sa inilabas na 2024 growth forecast ng IMF, nakikitang lalago ang gross domestic product ng Pilipinas sa 6.2%, mas mataas sa naunang projection na 6.0%.
Ayon sa multilateral agency, ito ay dahil sa positibong momentum mula noong 4th quarter ng 2023. Ang growth forecast ng IMF ay pasok sa target ng economic managers na 6-7%.
Samantala, itinaas din ng IMF ang 2025 forecast sa 6.2% mula sa 6.1% dahil sa tumataas na domestic demand at paglakas ng pamumuhunan. Habang ang inflation naman ay nakikitang nasa 4% ngayong taon hanggang 2025.
Nakikita rin ang katatagan ng presyo ng bilihin kasabay ng economic growth.
Ang Philippine projected growth ay mataas pa rin sa average forecast sa ASEAN countries na indikasyon ng matatag na economic position ng bansa sa rehiyon. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes