Mananatili sa 2.0% hanggang 4.0% ang target range o inflation outlook ng administrasyong Marcos para sa 2024 hanggang 2028.
Sa press briefing sa Malacañang, ipinaliwanag ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na kasunod na rin ito ng ginawang assessment ng pamahalaan sa internal at external development na nakakaapekto sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.
“The target range for inflation is retained at 2.0-4.0 percent for 2024
through 2028, following the government’s assessment of recent internal and external developments that impact the prices of major commodity groups.” — Secretary Balisacan.
Sabi ng Kalihim, ikinonsidera sa inflation outlook na ito ang monetary policy actions ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Maging ang iba pang hakbang na ipinatutupad ng pamahalaan.
“The inflation outlook considers the monetary policy actions the
Bangko Sentral ng Pilipinas is undertaking and the non-monetary strategies and measures the government is implementing.” -Secretary Balisacan. | ulat ni Racquel Bayan