Nasa day 2 na ang isinasagawang 2-day international forum sa tanggapan ng Philippine Economic Zone Authority sa Pasay.
Sa ikalawang araw ng nasabing forum, pinag-usapan ang pagsulong sa pagbabawas ng carbon footprint at ang paggamit ng financing na may kinalaman sa carbon market.
Ang naturang forum na may titulong ‘Ecozones In-depth: Eco Industrial Parks and Green Technologies’ kung saan ipinapakita ang mga makabagong pamamaraan para labanan ang climate change.
Isinusulong din sa naturang forum ang iba’t ibang environmental advocacies gaya ng papel ng mga kababaihan sa technological advancement ng mga industrial development, sustainability reporting at iba pa.
Matatandaan na isa sa pangunahing adbokasiya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang ‘Bagong Pilipinas’ campaign ay ang paglaban sa climate change at pagkakaroon ng sustainable at renewable energy. | ulat ni Lorenz Tanjoco