Timbog sa isangawang joint Operations ng DTI Fair Trade Enforcement Bureau at ng PNP Southern Police district ang isang nagpapangap na milk tea shop sa Panganiban Baclaran, Parañaque City.
Unang nasamsam ang 173 na kahon ng Flava vape products ng DTI at ng PNP-SPD sa naturang nagpapanggap na milk tea shop na malapit sa Baclaran Elementary School na nagkakahalaga ng P9.5 milyon.
Kalaunan, karagdagang kahon-kahon pa ng nasabing produkto ang nadiskubre na ayon sa DTI posibleng umabot ng mahigit na P25 milyong halaga.
Ayon kay DTI FTEB Director Fhilipp Sawali, ang naturang establisyemiento ay lumabag sa Section 9 ng Republic Act 1900 na pagbenenta ng naturang produkto na malapit sa school vicinities at pagbebenta ng Flava vape products na sinuspinde ng DTI ang pagbebenta sa merkado kamakailan.| ulat ni AJ Ignacio