Sinalubong ng mabigat na daloy ng trapiko ang mga motorista sa westbound lane ng Marcos Highway ngayong umaga.
Ito’y matapos tumigilid ang isang elf truck na naglalaman ng mga cement adhesive na ginagamit na pandikit sa floor tiles pasado alas-4 ng umaga.
Resulta, kinain nito ang tatlong lane ng Marcos Highway kaya’t tila nag-embudo na ang mga sasakyang dumaraan dito.
Ayon sa driver ng truck, “self-accident” ang nangyari dahil pumutok ang gulong sa likod ng kaniyang minamanehong truck na patungo sanang Quezon City kaya’t nawalan siya ng kontrol.
Nasa mabuti namang lagay ang driver subalit dumaraing lamang ito ng pananakit ng balakang dahil sa lakas ng impact sa pagtagilid ng truck.
Mag-aalas-7 ng umaga nang ganap na naialis ang truck matapos rumesponde ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at dinala na ito sa impounding area sa Tumana, Marikina City. | ulat ni Jaymark Dagala