Ang Japan ang nakikitang alternatibong funding source ni Bicol Saro party-list Rep. Brian Yamsuan ara pondohan ang pagbuhay sa Bicol Express Rail Project.
Ayon sa mambabatas, patuloy na nag-o-offer ang Japan ng magagandang concessional financing package sa Pilipinas para sa mga programang pang-imprasktraktura.
Inhalimbawa nito ang Metro Manila Subway project na pinondihan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) na mayroon 0.3 percent annual interest rate at 0.2 percent para sa consulting services na may 40-year repayment period.
“JICA’s concessional loan terms for the Philippines remain competitive enough for the Department of Transportation (DOTr) to consider Japan as a viable funding option for the revival of the Bicol Express rail line,” sabi ni Yamsuan.
Tinatayang aabot sa P142 billion ang gagastusin para sa first phase reconstruction ng Bicol Express railway o yung South Long Haul Project.
Una na ring binanggit ng ilang investment analyst at ekonomista na maiging makipag-partner na ang Pilipinas sa Japan pagdating sa pagpopondo ng big-ticket infrastructure projects na naunsyami matapos ibasura ng ng pamahalaan ang kasunduan sa China.
“We need to see far into the future and not merely set our sights on easing traffic congestion in Metro Manila. With bustling urban hubs sprouting outside the National Capital Region, traffic would sooner or later be a problem for commuters residing in these areas. Reviving the Bicol Express is one way to ease the increased traffic going to South Luzon and broaden transportation choices for commuters,” giit ni Yamsuan.
Palaging binibigyang diin nng party-list solon na hindi lang basta makakapagpalago ng ekonomiya ang Bicol Express ngunit isang paraan din aniya para mapreserba ang kasaysayan ng mga Bicolano.
Makakatulong din aniya ito sa mabilis na biyahe, dagdag na trabaho sa rehiyon, pagpapasigla ng turismo at pagbawas sa carbon footprint ng bansa. | ulat ni Kathleen Forbes