Nakatakdang magsagawa ang Japan, Pilipinas at Estados Unidos ng Humanitarian Assistance and Disaster Response exercise na naglalayong mas mapaigting pa ang tulungan sa anomang panahon ng krisis.
Sa inilabas na Joint Vision Statement nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., US President Joe Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida, nagkasundo ang tatlong lider na palakasin ang pagtataguyod ng maritime domain awareness at mas mapalalim pa ang kooperasyon hinggil sa humanitarian assistance at disaster relief.
Sa ilalim ng exercise ay maaari ding mailakip ang trilateral o multilateral activities gaya ng Balikatan 2025.
Nakasaad din sa joint vision statement ang pagtatatag ng isang trilateral maritime dialogue upang mapalakas ang koordinasyon at kolektibong mga tugon upang itaguyod ang kooperasyon sa maritime at matugunan ang mga ilegal, unreported, at unregulated fishing o pangingisda. | ulat ni Alvin Baltazar