Joint Circular para isaayos ang pondo ng LGUs, nilagdaan na ni DILG Sec. Abalos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasama ang iba pang ahensya ng pamahalaan, nilagdaan na ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang Joint Memorandum Circular, para sa maayos na pangangasiwa ng pondo ng local government units (LGUs).

Sa pamamagitan nito, tunay nang matutugunan ang mga programa at proyektong pinaglalaanan ng pondo para sa mga komunidad.

Kasama ni Abalos ang iba pang kalihim ng mga miyembrong ahensya ng Public Financial Management (PFM) Oversight Agencies, kabilang ang National Economic and Development Authority (NEDA); Department of Budget and Management (DBM); Department of Finance (DOF); at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), at iba pa.

Binigyang-diin din na layong palakasin ng joint circular ang paggamit ng evidence-based approach sa paghahatid ng serbisyo ng mga LGU.

Ito ay binalangkas upang pagsamahin at itugma ang mga polisiya, implementing guidelines, tools at mga programa at proyekto ng DILG, at mga kasamang ahensya tungkol sa PFM na mayroong magkakaugnay na concern sa lokal na pamamahala.

Ito umano ang dahilan kung bakit ang sound fiscal management, kasama ang pagpapabuti ng tax regime ay nakapaloob bilang isa sa mga layunin ng Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us