Sisimulan na ngayong araw ang Joint Maritime Cooperative Activity sa pagitan ng mga sundalo ng Pilipinas, Australia, Japan at Estados Unidos.
Sinabi ni DND Spokesperson Arsenio Andolong, gagawin ang military excercise sa loob ng Exclusive Economic Zone(EZZ) ng bansa kabilang na ang bahagi ng West Philippine Sea.
Gagamitin sa exercise ang limang barko ng apat na bansa,na kinabibilangan ng BRP Gregorio Del Pilar at BRP Ramon Alcaraz ng Pilipinas, USS Mobile ng US, HMAS Warra-Munga ng Australia at ang Destroyer Ship na JS Ake-Beno ng Japan.
Sa inilabas na joint statement, ang isasagwang military exercise ay isang “professional interactions.”
Layunin nitong mapalakas ang inter-operability sa aspeto ng defense at armed forces doctrines, tactics, techniques, at procedures ng apat na bansa.
Ganun din ang pagtataguyod sa right to freedom of navigation, overflight at maritime rights partikular na sa Indo Pacific Region.| ulat ni Rey Ferrer