Matapos ang maghapon kahapon na pagsusuri sa apat na kompanya, idineklara ng Commission on Elections (COMELEC) ang Joint Venture na SMS Global Technologies at Sequent Tech Inc. bilang lowest bidder para sa Online Voting ng Overseas Filipino sa 2025 Midterm Elections.
Ang nasabing joint venture ay nagsumite ng bidding amount na ₱112-million para sa nasabing proyekto.
Naglaan ang COMELEC ng budget ceiling na ₱465.8-million para sa nasabing Procurement.
Dahil ang naturang kompanya ang may mababang bidding amount, sila na ang magiging kwalipikadong bidder para sa post-qualification stage.
Dito ay susuriin naman ng Bids and Awards Committee ng COMELEC ang kakayahan ng dalawang kompanya lalo na sa technical requirements. | ulat ni Mike Rogas