Muli na namang aarangkada ang Kadiwa ng Pangulo sa mga piling lugar sa Metro Manila at kalapit lalawigan, simula bukas, Abril 29 hanggang Mayo 4, 2024.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), ang limang araw na aktibidad ay pasisimulan bukas sa Barangay 103, Grace Park East at Caloocan City Hall.
Mas maraming Kadiwa ng Pangulo outlet ang bubuksan sa susunod na mga araw, sa lugar ng Muntinlupa City, Pasay City, Marikina City, Makati City, Pasig City, Malabon City, Valenzuela City, Bacoor sa Cavite at Sport Complex, Minuyan Proper, San Jose Del Monte City, Bulacan.
Mabibili sa mga outlet ang mga sariwa at de-kalidad na mga gulay, prutas, murang bigas, at iba pa.
Karamihan sa mga produkto ay direktang hinahango sa mga lokal na magsasaka at mas mababa ang presyo kumpara sa mga pamilihan.| ulat ni Rey Ferrer