Nagpatawag ng pulong ang House Committee on Overseas Workers Affairs sa mga ahensya ng pamahalaan upang alamin ang crisis plan para sa mga OFW sakaling lumala ang sitwasyon sa Middle East.
Ayon kay Kabayan party-list Rep. Ron Salo, chair ng komite, ang gagawing briefing ay salig na rin sa atas ni Speaker Martin Romualdez upang i-assess at palakasin ang paghahanda at plano ng Pilipinas para sa kaligtasan ng mga OFW doon.
Aniya, pagpapakita ito ng commitment ng pamahalaan na tiyakin ang seguridad ng ating mga kababayang OFW sakaling mauwi sa giyera ang tensyon sa gitnang silangan.
Sabi pa niya na kailangan ng whole of nation approach sa pagtugon sa sitwasyon gayundin ang kooperasyon ng mga mahahalagang ahensya tulad ng Department of Migrant Workers (DMW), the Department of Foreign Affairs (DFA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of National Defense (DND), at Bureau of Immigration (BI) lalo na pagdating sa suporta, repatriation at reintegration capabilities.
Gagawin ang briefing nagyong daratingna Huwebes April 18, kasama ang government agencies, private sector representatives, at OFW organizations.
Pinayuhan naman ni Salo ang mga OFW na nagta-trabaho sa Middle East na maging maingat at alerto.
“I implore our OFWs to stay alert, keep abreast of developments, and get in touch with our embassies without delay for any required support or repatriation,” sabi ni Salo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes