Naging matagumpay ang Oplan Byaheng Ayos ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) nitong nakalipas na Semana Santa.
Ayon kay Eric Apolonio, tagapagsalita ng CAAP, wala silang naitang untoward incident nitong nakalipas na linggo dahilan kaya nila itinuturing na tagumpay ang kanilang Oplan Byaheng Ayos.
Maliban dito ay namigay din aniya ang CAAP ng daan-daang mga Malasakit kits kung saan naglalaman ng snacks para sa mga byahero.
Patuloy namang naka-standby, ayon sa CAAP, ang mga Malasakit Help Desk gayundin ang kanilang mga medical teams para magbantay pa rin sa mga bumabyahe ngayong mga panahong ito. | ulat ni Lorenz Tanjoco