Nagkasundo ang Pilipinas at Qatar na maging magkabalikat sa pagtugon sa Climate Change.
Sa bilateral meeting nina Qatari Emir HE Sheikh Tamim Bin Hamad Al Thani at Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malacañang, ngayong araw (April 22), sinakishan ng dalawang lider ang pag-lagda sa Memorandum of Understanding (MOU) para sa capacity building kaugnay sa pagbabago ng panahon.
Layon ng MOU na ito na paigtingin ang kolaborasyon sa pagitan ng dalawang bansa, upang magkasamang isulong ang technical cooperation, capacity building, at pagpapalawak at pag papalitan ng kaalaman hingil dito.
Nakapaloob rin sa MOU ang pagsusulong ng transformative climate action, alinsunod sa Paris Agreement of 2016.
Nakasaad sa MOU na ang iba pang areas of cooperation ay maaaring maidagdag sa pamamagitan ng paggamit sa diplomatic channels ng dalawang bansa.| ulat ni Racquel Bayan