Mismong sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin nanumpa ng kanyang Oath of Office si Atty. Wilma Eisma bilang bagong Pangulo at Chief Operating Office ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Ayon kay PAGCOR Chairperson Alejandro Tengco, masaya sila sa pagtanggap kay Eisma bilang kauna-unahang babaeng PAGCOR president at COO.
Kumpiyansa din si Tengco na magiging isang malaking asset ng PAGCOR si Eisma dahil sa malawak na karanasan nito sa government at private sectors.
Ayon pa kay Tengco, matapos ang oath taking ni Eisma ay agad itong dumiretso sa una nitong PAGCOR board meeting.
Paliwanag ng PAGCOR, nakuha ni Eisma ang kanyang law degree mula sa Ateneo de Manila University at ito ay dating miyembro ng Board of Directors ng Development Bank of the Philippines bago malipat sa state gaming firm.
Bago nito ay nagsilbi din itong administrador at chairperson ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).
Pinalitan ni Eisma si Atty. Juanito Sanosa Jr. na nag-resign bilang PAGCOR President at COO nitong Enero ng taong kasalukuyan. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: PAGCOR