Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon ng isang engrandeng Iftar sa isa sa mga barko ng bansa sa Port of Manila.
Tinanggap ng barkong Melchora Aquino MRRV-9702 and mahigit kumulang 100 na bisitang lokal at mga foreigner at mga empleyado sa ilalim ng pangunguna ng Philippine Coast Guard (PCG).
Pinasinayaan ni PCG Commandant Admiral Ronie Gil Gavann ang nasabing event na ayon sakanya ay binibigyan nila ng pagpapahalaga ang mga Muslim sa kanilang hanay at nirerespeto ang mga ito katulad ng kanilang pag-aayuno ngayong Ramadan.
Pagsapit ng “Maghrib” o ang oras ng pagdarasal sa paglubog ng araw, hudyat din ito ng pagkain muli ng ating mga kapatid na Muslim o ang tinatawag na “Iftar.”
Dito, nagkaroon din ng symbolic blowing of the horn sa nasabing barko.
Bago pa man nagsikainan ang mga bisita, ipinamalas din ng mga dumalo at empleyadong Muslim ng PCG ang sabayang pagdarasal.
Ayon kay Coast Guard Capt. Alicman Sarip Borowa, ang nag-organisa ng nasabing event, maliban sa kauna-unahan pa itong ginawa sa kanilang hanay, ito rin umano ay isang makasaysayan. Nagpapasalamat din si Borowa sa buong hanay ng PCG dahil sa kanilang respeto sa Muslim community at pagkilala sa Ramadan sa pagpapahintulot di umano sakanilang isinagawang event.
Asahan ani Borowa na sa mga susunod na taon, ang kakaiba at muling pagkakaroon ng Iftar upang mas lalong maipadama sa buong sambayanang pilipino ang presensya ng mga Muslim sa ating bansa.| ulat ni Princess Habiba Sarip-Paudac