Mas pinalakas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at United States military ang kanilang ugnayan sa pamamagitan ng isinagawang kauna-unahang Information Warfighter Exercise.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief, Colonel Xerxes Trinidad, layunin ng pagsasanay na isinagawa mula April 1 hanggang April 5, na palakasin ang interoperability sa pagitan ng information operations planners ng AFP at U.S.
Sa tulong ng matrix-style wargame framework, naging handa ang mga kalahok na magplano at mag-execute ng operasyon sa mga komplikadong sitwasyon.
Bukod sa mga tauhan ng AFP, aktibong nakilahok din sa IWX activities ang mga miyembro ng Philippine National Police at Philippine Coast Guard.
Ayon pa kay Trinidad, ito ang unang pagkakataon na isinagawa ang IWX sa labas ng Estados Unidos, na nagpapakita ng patuloy na pag-unlad ng ugnayan ng Pilipinas at U.S.
Kabilang din ang IWX sa mga aktibidad ng Balikatan Exercise ngayong taon. | ulat ni Leo Sarne
📸: SSg Manzano/PAOAFP