Klase sa Paco Catholic School, sinuspinde muna para bigyang daan ang pagsusuri sa gusaling nasunog noong Sabado ng gabi

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinunspindi muna ng pamunuan ng Paco Catholic School ang face-to-face classes sa lahat ng antas ng kanilang paaralan.

Ito’y matapos madamay ang bahagi ng isa nilang building makaraang sumiklab ang sunog sa Commercial / Residential area malapit sa Paco Mall.

Nangyari ang insidente noong Sabado ng gabi kung saan inabot sa ikalimang alarma ang sunog na tumagal ng higit kalahating oras.

Kaugnay nito, magpapatupad na muna ng online classes ang Paco Catholic School simula bukas, Martes, April 23.

Nabatid na nasa halos 5,000 estudyante ng nabanggit na paaralan ang naapektuhan ang pag-aaral dahil sa sunog na hindi pa malaman kung ano ang dahilan at ilan ang nadamay.

Nananawagan naman ang Paco Catholic School sa publiko na wala sila o hindi sila naglalabas ng anumang solicitation o panghihingi ng anumang tulong matapos ang insidente. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us