Arestado ng mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang suspek na gumagawa ng mga pekeng driver’s license sa Maynila.
Kinilala ni LTO Chief Assisstant Secretary Vigor Mendoza II ang suspek na si Jeric Baluyot.
Ang suspek ay hinuli sa kanyang bahay sa Adelina Street, Brgy. 467, Zone 46 sa Maynila.
Nakuha mula kay Baluyot ang mga pinekeng driver’s license at pekeng mga Official Receipt ng LTO para sa rehistro ng sasakyan, smartphones, at iba pang equipment na ginagamit sa illegal na aktibidad.
Kakasuhan ang suspek ng kasong paglabag sa Republic Act No. 4136 o Land Transportation and Traffic Code.
Ayon kay Mendoza, ang pagkakahuli kay Baluyot ay magsilbing warning sa ibang tao na huwag gumawa ng ilegal na aktibidad upang hindi maparusahan ng batas. | ulat ni Diane Lear