Para kay Lanao del Norte Rep. Khalid Dimaporo hindi na kailangan pa imbitahan at paharapin si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ikakasang imbestigasyon kaugnay sa pinasok umano nitong gentleman’s agreement kasama ang China.
Aniya, kung mayroon man aniyang napagkasunduan, ang mga ahensya naman ng pamahalaan ang magpapatupad nito.
Kaya kung sakali, sapat nang imbitihin ang dating mga kalihim ng Department of National Defense, Department of Foreign Affairs at Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Sa kasalukuyang ay nai-refer na sa House Committee on Rules ang mga resolusyon para sa pagpapatawag ng inquiry in aid of legislation kaugnay sa gentleman’s agreement.| ulat ni Kathleen Forbes