Iginiit ng isang digital advocacy network na dapat alisin ng Pilipinas ang lease payments para sa paglalagay ng internet connection, binigyang-diin na magkakaroon ito ng positibong epekto sa Filipino web users.
“Removing the lease fees for the broadband connectivity may lead to better telecommunications services for the public and will also improve the internet links in the country,” wika ni Digital Pinoys National Campaigner Ronald Gustilo.
“This will impact the lives of internet users in our country positively,” pagbibigay-diin niya.
Sinabi rin ni Gustilo na dapat ipag-utos ng pamahalaan ang pag-aalis o pag-regulate sa lease fees at bigyan ng insentibo ang telcos upang palawakin ang coverage sa underserved areas at mag-invest sa digital infrastructure.
Sa Africa ay sinimulan na ng gobyerno nito ang pagkilala sa kahalagahan ng broadband connectivity upang magkaloob ng sapat na internet connection sa buong populasyon nito.
Ipinag-utos naman ng Singapore government ang hindi na pagbabayad ng upa ng internet service providers.
Sa kabila ng zero lease na pinapayagan sa bansa, mayroon lamang 767 gusali o properties na nagpapatupad ng zero lease at ang mga tenant ay nakararanas ng magandang telecommunications connectivity.
Samantala, ang central business districts tulad ng Makati, Bonifacio Global City at Cebu ay may mababang porsiyento ng mga gusali na nag-aalok ng no leasing fees gayong mahalaga ito sa naturang mga lugar para sa uninterrupted businesses.
Nauna rito ay hiniling ni Globe President and Chief Executive Officer Ernest Cu sa property developers na alisin ang lease fees para sa instalasyon ng telecommunications facilities, at sinabing sa panahong ito, ang connectivity ay kasing halaga ng electricity at water supplies.
Ipinaliwanag ni Cu na ang leasing costs ay nakadaragdag sa pasanin ng telco companies na makapagbibigay sana ng mas mataas na kalidad ng serbisyo kung ang nasabing gastusin ay ilalaan para sa pagpapalawak ng saklaw ng internet access.