Muli pang natapyasan ang antas ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na 24 oras dahil sa kakulangan ng ulan sa watershed.
Batay sa update ng PAGASA Hydrometeorology Division, kaninang alas-sais ng umaga ay nabawasan pa ng 35 sentimetro ang tubig sa dam kaya bumaba pa ito sa 196.15 meters.
Higit dalawang metro na ang agwat mula sa 198.44 meters water elevation ng dam noong nakaraang linggo.
Gayunman malayo-layo pa naman ito sa minimum operating level ng dam na 180 meters.
Bukod sa Angat dam, karamihan din ng dam na binabantayan ng PAGASA sa Luzon ay nagkaroon ng tapyas.
Kabilang dito ang Ipo dam, La Mesa dam, Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, at Caliraya dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa