Patuloy pa ring bumababa ang lebel ng tubig sa mayorya ng mga dam sa Luzon na binabantayan ng PAGASA Hydromet Division.
Kabilang dito ang Angat dam na nabawasan ng 40 sentimetro kaya bumaba pa sa 192.52 meters ang lebel ng tubig batay sa update kaninang alas-sais ng umaga.
Ito ang may pinakamalaking tapyas sa tubig sa nakalipas na 24 oras.
Gayunman malayo layo pa naman ito sa minimum operating level ng dam na 180 meters.
Bukod sa Angat dam, nagkaroon din ng tapyas sa lima pang dams
Kabilang dito ang Ipo dam na bumaba sa 99.66 meters; La Mesa Dam na nasa 75.65 meters; San Roque dam na bumaba sa 231.98 meters; Pantabanan dam pati na ang Caliraya dam.
Samantala, ang Ambuklao at Binga dam ay wala naging tapyas bagamat hindi rin tumaas ang antas ng tubig. | ulat ni Merry Ann Bastasa