Pormal nang nanumpa ang bagong direktor ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) office ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa katauhan ni Shielo Reyes.
Kahapon, pinangunahan ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan ang panunumpa sa puwesto ni Reyes na siyang mamumuno naman sa LEDAC Secretariat.
Kabilang sa mga tungkulin ni Reyes ang pagbibigay suporta sa lupon kabilang na ang pagsasaayos ng mga pagpupulong nito gayundin ang pagtatakda ng agenda.
Ang LEDAC ay isang high level advisory at consultative body sa Pangulo para tiyaking matatamo ng bansa ang socioeconomic at development goals na kapwa pinagsasaluhan ng Ehekutibo at Lehislatura.
Bago matalaga sa NEDA, nagsilbi muna si Reyes sa dalawang Kapulungan ng Kongreso. | ulat ni Jaymark Dagala