LGU, pribadong sektor, hinimok na bantayan ang tamang implementasyon ng benepisyo para sa mga solo parent

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ngayon si Bicol Saro Party-list Representative Brian Yamsuan sa mga lokal na pamahalaan na mag doble kayod para maipatupad ang dagdag benepisyo para sa mga single mother at fathers, lalo na ang P1,000 buwanang subsidy para sa mga kumikita ng minimimum o mas mabab sa minimum wage.

Ito’y sa gitna ng paggunita sa Solo Parents Week mula April 19 hanggang 21.

Paalala ni Yamsuan sa mga LGU, na magtatag ng kanilang Solo Parents’ Offices o Divisions salig sa Republic Act 11861 o Expanded Solo Parents Welfare Act.

Pagbibigay diin ni Yamsuan, mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga LGU sa pagpapatupad at pagtiyak na makuha ng mga solo parent ang kanilang benepisyo.

“Our LGUs play a key role in effectively implementing the law granting additional benefits to solo parents who every day bravely  face the tough challenge of raising kids on their own. They deserve to know and feel that the  government is behind them  as they work hard to ensure a bright future for their children. With the Expanded Solo Parents Welfare Act now being implemented in its second year, we hope that most LGUs, particularly those belonging to high-income cities and municipalities, have already complied with the provisions of this law,” sabi ni Yamsuan

Batay sa pinakahuling datos mayroong 15 milyong single parents sa bansa, kung saan karamihan ay kababaihan.

Kasabay nito ay nanawagan din ang mambabatas sa mga opsital, botika at retail outlets na kilalanin ang diskwento ng solo parents na nakapaloob sa batas.

Halimbawa nito ang 20% discount sa hospital bills; 10% discount sa mga kumikita ng mas mababa sa P250,000 kada taon; at exemption sa value-added tax sa essential goods gaya ng diapers, infant milk at bakuna para sa mga bata.

Mismong si Yamsuan ay naglunsad ng kaniyang Extra Rice Program kung saan namamahagi siya ng rice assistance package para sa solo parents sa kaniyang home city sa Parañaque. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us