Namahagi ng food packs ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga sa iilang mga residenteng Muslim sa naturang lungsod bilang pakikibahagi sa selebrasyon nitong buwan ng Ramadan.
Pinamunuan ni Zamboanga City Mayor John Dalipe ang pamamahagi ng libreng Iftar sa Brgy. Kasanyangan, Talon-talon, Mampang, at Arena Blanco.
Aabot sa higit 1,500 muslim na nag-aayuno mula sa mga nasabing barangay ang nakatanggap ng food packs mula sa lokal na pamahalaan.
Matatandaan, namahagi rin ng rice at food packs ang alkalde kasama si District II Congressman Mannix Dalipe sa mga Muslim na pamilya sa lungsod nitong buwan pag-aayuno.| ulat ni Justin Bulanon| RP1 Zamboanga