Tuloy ang pag arangkada ng libreng sakay ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon para sa mga commuters ngayong unang araw ng tigil-pasada ngayong Lunes.
Ginawa pa rin ito, sa kabila na hindi naman naramdaman ang tigil pasada ng Piston jeepney transport group.
May 96 na QCity Bus ang tuloy-tuloy sa pagbiyahe sa walong ruta nito sa buong lungsod ng Quezon.
Nakaantabay pa rin ang mga service vehicles ng lokal na pamahalaan, Quezon City Police District, MMDA, LTFRB, AFP, pati na rin ng 142 Barangays ng lungsod.
Nauna nang nagkasa ng tatlong araw na tigil pasada ang grupong Piston simula ngayong araw, Abril 29 hanggang Mayo 1.
Ang tigil pasada at kilos protesta ng mga tsuper at operators ay pagpapakita ng pagtutol sa consolidation at PUV Modernization Program.| ulat ni Rey Ferrer