Lithuania, nagpahayag ng suporta sa karapatan ng Pilipinas sa ilalim ng International Law

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang pagdami ng mga bansang sumusuporta sa Pilipinas sa gitna ng agresibong pagkilos ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Pinakahuli dito ang Lithuania, na nagpahayag ng suporta sa karapatan ng Pilipinas sa ilalim ng International Law.

Ito’y sa pagbisita ni H.E. Ricardas Slepavicius, ang Non-Resident Ambassador of Lithuania to the Philippines, at Mr. Vilijus Samuila, ang Lithuanian Minister Counsellor, sa Department of National Defense (DND) kahapon.

Dito’y nakapulong nila si Undersecretary of National Defense Irineo C. Espino, kasama si Undersecretary for Strategic Assessment and Planning Ignacio B. Madriaga, at Assistant Secretary for Strategic Assessments and International Affairs Marita I. Yoro.

Kapwa inaasahan ng magkabilang panig ang pagpapalawak ng kooperasyong pandepensa ng Pilipinas at Lithuania, partikular sa larangan ng military training, cyber security, energy security, defense technology, research and development, at countering hybrid threats. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us