Matapos ang ilang dekada, muling tatapak sa bansa ang isang Lithuanian high official para mas patibayin ang tatlong dekadang diplomatic relations nito sa bansa.
Ayon sa inilabas na anunsyo ng Department of Foreign Affairs, tatagal si Lithuanian foreign minister His Excellency Gabrielius LandsBergis sa bansa hanggang April 25 kung saan inaasahang isusulong nito ang bilateral relations ng Pilipinas at ng kanilang bansa kaksama si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.
Inaasahang tututukan din ng pagpupulong ng dalawang opisyal ang pagpapalakas ng kooperasyon sa iba’t ibang aspeto gaya ng trade at investments, clean energy, science and technology kabilang na ang health at laser technology, gayundin ang people-to-people link.
Dagdag pa ng DFA, pag-uusapan din ang mga international issues na may mutual concern.
Ang palitan ng mga perspektibo at pananaw ay nagbibigay diin lang sa parehong commitment ng Pilipinas at Lithuania sa kapayapaan, stability, at rules-based international order. | ulat ni Lorenz Tanjoco