Nagpatupad ng balasahan ang pamunuan ng Light Rail Manila Corporation sa mga top executives nito.
Epektibo ngayong buwan ng Abril, ang bagong mga posisyon ng mga pinuno ng private operator ng LRT-1.
Uupo bilang bagong general manager nito si Enrico Benipayo na dating chief operating officer nito kung saan ito ang mangunguna sa pang-araw-araw na operasyon ng LRT-1.
Si Benipayo ay may 35 taong karanasan sa Engineering, Procurement, and Construction (EPC), Maintenance, at Consultancy.
tatayo naman bilang interim President at CEO ng LRMC si Jose Ma. Lim na siyang kasalukuyang chairman ng LRMC executive committee at director ng Metro Pacific Investments Corporation.
Ang dating president at CEO naman ng LRMC ay uupo sa isa sa mga leadership position ng Metro Pacific Light Rail Corporation (MPLRC) ang isa sa mga shareholders ng LRMC at pagmamay-ari ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC) at Sumitomo Corporation. | ulat ni Lorenz Tanjoco