LRT-2, mananatiling regular ang operasyon sa Araw ng Kagitingan at Eid’l Fitr

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na magpapatupad ng regular na operasyon ang LRT-2 bukas, April 9 (Araw ng Kagitingan) at sa Miyerkules, April 10 (Eid’l Fitr).

Ito ay para makapagserbisyo sa mga pasahero ng LRT-2 sa mga naturang araw.

Samantala, aarangkada ang Libreng Sakay sa LRT-2 para sa lahat ng mga pasahero bukas sa peak hours mula ala-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga, at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Habang libreng makakasakay naman sa buong operasyon ng LRT-2 ang mga beterano hanggang April 11.

Ang libreng sakay sa LRT-2 ay bilang pakikiisa sa paggunita ng Philippine Veteran’s Week at Araw ng Kagitingan.

Ito ay tugon ng LRTA sa hiling ng Department of National Defense para kilalanin ang sakripisyo at kagitingan ng mga beterano, at ng ating mga modern-day hero. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us