Ngayong ramdam na ang tindi ng init ay nagpaalala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga pampublikong tsuper at mga commuter para maiwasan ang posibleng heat stroke ngayong tag-init.
Naglabas ng ilang tips ang LTFRB kabilang ang mga sumusunod:
- Huwag magbabad sa gitna ng init ng araw.
- Magsuot ng komportableng damit.
- Magpahinga sa mga oras na sobrang init.
- Uminom ng maraming tubig.
Mas mainam din aniyang alagaan ang sarili at ang kalusugan, upang mapanatili ang maayos na kondisyon sa gitna ng mainit na panahon.
Una nang sinabi ng PAGASA na magpapatuloy pa hanggang Mayo ang mainit na temperatura gayundin ang heat index dahil sa El Niño. | ulat ni Merry Ann Bastasa